Ano ang Arowana?

                                Pair of giant adult silver arowana
                                Image Location: Shanghai, CHINA
                                Photographer/Camera: Photo taken by Rhett A. Butler 

                                                                      using a Canon Digital Rebel XT
                                Image code: china_103-7123

Ang Arowana ay hindi basta basta isda, sila ay mga higanteng isda na nangangailangan ng seryosong pagaalaga. Kailangan nila ng malalaking aquaruim tanks o pond para lumaki silang malusog at masaya. Ang kanilang pangangailangan ay hindi basta basta tulad sa pagkain, gamot at atensyon.

Ang arowana ay nabubuhay sa tubig tabang, sila ay carnivorous kumakain sila ng kahit anong isda na mag kakasya sa kanilang bunganga.

Tulad nalang ng Silver Arowana (Osteoglossum bicirrhosum) Sa kanilang natural na tirahan sa South America tinatawag silang “water monkeys” dahil kayang kaya nilang tumalon ng mataas lagpas sa haba ng katawan nila, sila ay makikitang kumakain ng mga lumilipad na paniki, mga insekto at maliliit na ibon na dumadapo sa mga sanga sanga ng puno.  

Sa mga public aquariums makikita silang naka grupo mula limang piraso pataas. Dahil ito ang required na bilang sa community tank, upang mabawasan ang aggressiveness nito sa kanilang ka uri.

Pwede silang haluan ng ibang uri ng isda tulad ng Clown Knifefish, Pacu, Oscars, Plecostamus, Jaguar Cichlids, Green Terrors, Gars at iba pang malaki at matapang na isda na hindi nila kayang kainin…

 
Maari kayong magbigay ng Suggestions, Comments at Iba pang kaalaman para sa ikagaganda ng blog na ito,,, Maraming Salamat po…