http://www.flower-horn.de/arowana.html
Drop Eyes
Ang Drop Eyes ay isang sakit ng arowana na kung saan ang pilik mata nito ay unti unting bumabagsak habang lumilipas ang panahon, kadalasan itong nangyayari sa mga arowana na nasa aquarium tanks.
Batay sa mga libro at internet… madaming bagay ang nagiging dahilan ng drop eyes,,, katulad nalang sa pagkain, genes at water quality, ngunit sa 17 years kung pagaalaga ng arowana napansin ko’ na kadalasan ang mga nagaalaga ng arowana’ sa aquarium, ang siyang nagkakaroon ng problemang ito, bakit kaya?
Dahil base sa aking pananaliksik bumili ako ng 2 silver arowana nilagay ko ang isa sa pond ang isa naman sa aquarium,,, paglipas ng 8 months napansin ko na ang arowana sa aquarium ay nagsisimula ng mag develop ng drop eyes, ang size ng tank is 150 gallon, maganda naman ang water quality ng tubig- frequent change of water, madalang na pag papakain ng feeder goldfish, krill, pellets, insects and etc. walang tank mates na bottom dwellers, may rock sand ang aquarium para maiwasan ang reflection at syempre mga bola na maliliit na nakalutang sa tank, ngunit bakit hindi parin naiwasan ang pag develop ng drop eyes?
Sinuri ko naman ang isang arowana sa pond, napansin kong mas malaki ito, malapad, malusog at una sa lahat walang bahid ng development ng drop eyes, ngunit ang kinakain naman niya madalas ay feeder goldfish, krill at pellets. Diba nakakapag taka?
Batay sa aking conclusion ang pinaka-sanhi ng drop eyes ay hindi sa pagkain o anumang bagay. Ito ay nakukuha ng arowana sa mismong aquarium. Dahil kung susuriin nating mabuti sa kanilang natural na tirahan sa ilog man o sa pond mapapansin natin na nakatuon lang ang kanilang mata sa ibabaw ng tubig dahil wala naman masyadong bagay na kumukuha ng kanilang atensyon sa ilalim,,,, Lalong lalo na halos lahat ng kanilang kailangan ay nakikita sa itaas tulad ng mga insekto, maliliit na ibon at iba pang bagay na gumagalaw kaya ang mga mata nila ay laging naka tuon sa itaas…
Kumpara sa aquarium na transparent, Isipin nyo nalang kung ikaw ang maging arowana titingin kaba sa taas ng aquarium kung wala kanaman tinitignan??? diba hindi’’??? Kaya hindi natin maiiwasan ang arowana na tumingin sa kanyang paligid lalong lalo na sa baba na kung saan maraming bagay na gumagalaw tulad natin ang nakikita, kaya ang mga ito ang siyang nag titrigger sa arowana na mas tumingin sa ibaba kesa tumingin sa itaas’.
Ang nangyayari ay kabaligtaran, mas tumitingin sila sa ibaba dahil mas maraming nakikita imbis na sa taas na walang nakikita kung hindi takip at ilaw ng aquarium. At dahil sa madalas nilang pagtingin sa ibaba, magreresulta ito ng drop eyes…
Note: Iwasan ang mataas na aquarium, dahil mag reresulta ito sa arowana ng severe drop eyes…
Paano Gamutin ang Drop Eyes? Ito ang susunod kung tatalakayin…
No comments:
Post a Comment