http://www.blueaquarium.org/2008/02/arowana-in-plant-tank-by-arowanaclub/
1.) Aquarium Tank
Sabi nila size doesn’t matter pero sa arowana “Size Matter” Mahalaga ang size ng aquarium dahil 48 inches o higit pa ang nilalaki ng mga arowana, kaya ang minimum na size para sa kanila atleast 75 to 250 gallons para sa ganoon ay malaya silang nakakagalaw.
http://www.blueaquarium.org/2008/02/arowana-in-plant-tank-by-arowanaclub/
2.) Kulay ng Background
Sa ibang aquarist hindi na nila nilalagyan ng background ang aquarium, ngunit hindi ako pabor dito, dahil maaring mag resulta ito sa matinding stress ng isda lalong lalo na kung nagiisa lang ito.
Mahalaga parin ang tamang pagpili ng kulay para sa background ng aquarium. Kadalasan may mga nabibili ng ready made background sa mga pet store.
Pero heto ang kadalasan kung nakikitang problema sa mga aquarist na natatawa nalang ako…
Fresh water ang inaalagaan nilang isda pero coral reef naman ang mga background, Marine Fishes ang alaga- Planted Backgrounds naman ang tirada, Patawarin sana kayo ng mga isda. Cigeh nga kung ikaw ang maging isda at hindi tama ang pinaglalagay sa bahay mo hindi kaba maistress’ diba? “hindi ko po ipipilit ang gusto ko para sa mga isda nyo, nasa sa inyo kung gusto nyong baguhin ito o ganyan nalang kayo forever.” Pero para sa akin hindi tama ito.
Ang mga Dark colors Tulad ng Dark Blue and Black background ang higit na mainam para sa kanila, hindi lang gumaganda ang reflection ng kulay nila kundi na rerelax pa ang isda dahil sa binibigay nitong shade na nag papakalma sa kanila.
http://www.blueaquarium.org/2008/02/arowana-in-plant-tank-by-arowanaclub/
3.) Pwesto ng Aquarium Tank
Bibili ka ng arowana na bonga bonga ang presyo mga worth 20,000… kaya lang xempre kailangan makita at masilayan ng mga visitors ang ganda ng arowana mo… kaya mahalagang pumili ng magandang pwesto na makikita ito…
Note: Huwag na huwag nyong ilalagay ang arowana tank malapit sa mga pintuan’ o anumang bagay na biglaang bumabagsak o maingay… remember: sila ay magugulatin plus great jumpers pa,, ayaw nyo naman sigurong magkasugat sugat yang mamahaling arowana nyo sa umpog at kakatalon…’kaya pumili ng pwesto na tahimik at makikita ang ganda nito…
DIY Aquarium Cover by: Doc Funk
http://www.mypalhs.com/forums/showthread.php?p=2133596
4.) Takip ng Aquarium Tank
Kadalasan isinasantabi natin ito at pinagwawalang bahala.
Alam nyo ba na ang number one cause ng pagkakamatay ng mga arowana ay hindi sakit kundi “Suicide” pagtalon ng arowana sa aquarium, kaya hindi na bago sa atin na may mababalitaan kang arowana namatay, bakit? Tumalon sa aquarium o tumalon habang naglilinis ng aquarium...
Diba’ tama ba ako?
Kung mali ako cigeh try mong tumalon sa 4rth floor para makita mo ang katotohanang sinasabi ko….
Ang mga arowana ay tinatawag na “water monkeys” great jumpers, kaya kinakailangang matibay ang takip ng tank upang sa ganoon ay hindi ito makawala o makatalon na maaaring mag resulta ng serious injury o death…
Kung may pera ka, pwede kang magpagawa ng takip ng tank mo na pasadya sa mga glass shops or mga pagawaan ng salamin… okaya naman bili ka ng chicken wire na plastic yung color green kung kapos ka naman sa budget…
Sayang naman kung mawala ang arowana mo na worth 20,000 sa isang iglap lang… dibah? Oh….. Pwera nalang kung mayaman ka… “cigeh ikaw ng mayaman” ikaw ng propeta”…
Source: Unknown ,,, PM me if you are the owner of this picture so that i can have your permission... Thank you!
5.) Pump
Ito ang pinakamahalagang gamit na kailangan ng aquarium moh… Dahil ito ang nagbibigay ng oxygen para mabuhay ang isda… Pero hindi basta basta ang pagpili ng pump…
Kailangan pagaralan natin ang tamang pump and filtration para sa mga isdang ito, Kailangan malaman kung saan at ano ang life style ng species nayon upang sa ganoon ay maiwasan ang stress sa isda, mahalaga ito dahil dito nakadepende ang itatagal ng buhay ng alaga mo katulad nalang ng Arowana.
Halimbawa nalang,,, Ang mga Silver Arowana ay nakatira sa mga mababagal na ilog o mga mahihinang agos ng tubig. Kaya kung bibili kayo ng pump hindi nyo na kailangan nung super pump na kulang nalang bombahin nyo yung aquarium nyo “wag naman ganun” kawawa naman yung isda hilong hilo sa inyo at stress pa… may mga nabibili naman na submersible pump, na hindi naman maxado malakas at tama lang ang pinagagalaw na tubig at oxygen na kailangan ng isda para mabuhay ng Masaya…..
Maari kayong magbigay ng Suggestions, Comments at Iba pang Kaalaman Para Ma Improve ang Blog na ito,,, Maraming Salamat po
Maari kayong magbigay ng Suggestions, Comments at Iba pang Kaalaman Para Ma Improve ang Blog na ito,,, Maraming Salamat po
No comments:
Post a Comment