http://arowanna.blogspot.com/2009/10/what-perfect-red-arowana.html
Para sa mga nagsisimulang mag-alaga ng arowana, kailangan nating malaman na madaming ibat ibang clase ng species nito; tulad ng Malaysian, Australian, Golden, Red at marami pang iba.
Isa na dito ang kadalasan nating nakikita na Silver Arowana (Osteoglossum bicirrhosum). Makikita natin ang mga ito kadalasan binebenta sa mga aquarium stores na nagkakahalaga ng 450 pesos – to thousand pesos depende sa laki, kulay at hugis nito.
http://www.flower-horn.de/amazon_aquarium.html
http://www.flower-horn.de/amazon_aquarium.html
http://www.flower-horn.de/amazon_aquarium.html
Isa na dito ang kadalasan nating nakikita na Silver Arowana (Osteoglossum bicirrhosum). Makikita natin ang mga ito kadalasan binebenta sa mga aquarium stores na nagkakahalaga ng 450 pesos – to thousand pesos depende sa laki, kulay at hugis nito.
Ayon sa ibat ibang libro tungkol sa tamang pag pili ng arowana mahalagang malaman natin kung paano pumili ng magandang clase nito,
- Dapat maganda at tama ang hugis ng katawan nito, “Balanse” mag umpisa sa ulo hanggang buntot.
- Ang kulay ng Arowana ay dapat matingkad. Halimbawa nalang kung may plano kayong bumili ng Golden Arowana, ito dapat ay may kulay na gold syempre kaya nga tinawag na golden arowana. Ang kaliskis ay kailangan makintab, ngunit’ kadalasan ay hindi pa ganap ang kulay ng isang batang arowana; kaya mahirap suriin ng maayos ang kulay na ito.
- Kailangan maganda ang langoy ng arowana “fluid motion ika nga” kaya yan ang isa sa mga katangian na gusto ko sa arowana. Wag kayong bibili ng arowana na hindi gumagalaw o naka hapo lang sa ilalim ng tank, maari kasi na sobrang stress ito okaya naman may sakit.
- Kailangan suriin ng mabuti kung kumpleto ang mga fins at barbels nito. Ang barbels ay dapat pantay ang tubo, mahaba at mataba. Kung ganito ang katangian ng arowana ito ay healthy. Sa fins naman kailangan naka buka ito ng mabuti. Dahil dito makikita kung masigla ito.
- Ang Bunganga ng Arowana ay dapat malaki at naka turo pataas. Kailangan ito ay nakasara, pantay at walang gap, kadalasan kasi may mga tinatawag na overbite and underbite kaya kung maari iwasan bilhin ang mga ganitong features. Kasama na dito ang ngipin kailangan ito ay pantay-pantay at hindi dapat nakalabas.
- Kailangan ang kaliskis nito ay makintab at nakahelera ng maganda parang roof tiles. Ang kaliskis ay dapat malaki o visible sa arowana dahil kung maputla o di kita ang kaliskis nito maari itong may sakit o pabaya sa pagaalaga ang may ari.
- Ang hasang ng Arowana ay mahalaga kailangan gumagalaw ito unti unti habang lumalangoy, kailangan smooth at flat ito sa labas ng katawan ng isda, ito dapat ay matingkad dahil makikita din dito kung healthy ang isda.
- Ang mata ng Arowana ay dapat malinaw at malinis, walang mga puti puti o anumang spots na nakakapit dito di lang sa mata pati na sa katawan, Ang Mata ay kinakailangang pantay lamang ang labas sa katawan hindi maxadong nakalubog o hindi naman nakalabas. May isang problema sa arowana na halos lahat ng nag aalaga nito ay nagkakaproblema ito ay ang “Drop Eye” itatalakay natin ito sa susunod.
Marami pang paraan para malaman kung maganda at malusog ang isda at iilan lamang ito sa mga kaalaman na dapat nating matutunan. Ngayon alam nyo na na ang paghahanap ng ganitong magandang isda ay hindi madali, kaya hanggat maaari magsama kayo ng expert sa arowana o kaya naman bumili nalang kayo sa mga registered petshops and certified breeders hanggat maari.
Isa sa Pinakamahal na isda ang Platinum Arowana
http://www.luxuo.com/most-expensive/arowana-aquarium-fish.html
Maari kayong magbigay ng Suggestions, Comments at Iba pang Kaalaman Para Ma Improve ang Blog na ito,,, Maraming Salamat po…
ask ko lng ano po pwdeng ipakain sa maliit na silver aro? almot 3 inch pa yata ito, bagong bili ko,
ReplyDeleteNo Deposit Casinos - Best No Deposit Bonuses for
ReplyDeleteIn addition, there are no 셉인소 deposit 스트라이크존 bonus codes for casinos to keep players nba betting odds engaged 예스 벳 while they play. The first is 블랙 잭 만화 No Deposit Casino and